- Sabi ni Emyrose miss nya ang talipapa sa Pinas pero hindi nya miss ang mga papa
, mas gwapo yata mga papa dito hehehe - Sabi ko naman, miss ko ang madaming tao sa Mall, sa Shoemart, sa Rob(Robinson’s) (c) 2005- Charina Neo- all rights reserved
- Miss ko ding kainin ang mga sinasabi nila mababantot na mga pagkain e.g. itlog maalat, daing, tinapa, pritong isda (malansa daw kasi. natural, isda eh !!) patis etc..
- Miss ko ang madaming taong nakikita natin sa kalye, mga papasok sa opis, mga estudyanteng magugulo, mga tambay sa kanto, mga adik, ay hindi pala…
- Miss kong sumakay ng taxi, ng jeep, ng bus, ng tricycle, ng pedicab…
- Miss kong magtinda sa tindahan namin ng prutas na ang babarat ng mga customer na matutuyuan ka ng dugo kung papatulan mo silang lahat..
- Miss ko ang pamilya ko na kahit nga nagtatampuhan paminsan minsan eh masaya pa din kasi kasama mo silang lahat…
- Miss ko ang sandamakmak na mga maliliit na tindahan sa palibot libot na lalakarin mo na lang at di ka na kailangang magdrive para lang bumili ng mga nakalimutan mong bilhin…
- Miss ko ang simbahan na laging bukas ano mang oras ( hanggang 24-hours na bukas ung prayer room sa may sa amin sa Singalong ) …
- Miss ko ang mga kaibigan, mga kapamilya, kapuso na madali lang tawagan sa phone kasi pare pareho kayong nasa pinas at parepareho ang time zone nyo..
- Miss ko ang divisoria kasi andun na lahat ang mura lalo na kung magaling kang makihaggle, mas lalong mura hehehe…ingat nga lang sa pickpockets…
- Miss ko ang mga dakilang Maids natin sa pinas, kasi dito kami ang maid ng asawa namin….
- Miss kong kumain ng kumain without worrying na pupunta un lahat sa bilbil ko kasi alam kong pagpapawisan ako sa init dyan…
- Miss kong nadidinig ung lahat ng kwentuhan ng mga tao na nasa likod-bahay namin… hindi tulad ditong masyadong tahimik ang mga kapitbahay…
Related Articles
3 users responded in this post
yah right…..he he. Mis ko sumakay ng lrt at mrt.
ne if mis mo ang pinas y cge mo tyaga dyan,ewan ko ba sainyo gustong gusto nyo makarating ng tate pag yaon na dyan mis daw ang pinas ano ba talaga ha ate chari
Hmmn, actually it was never one of my plans to come here to the US. It just came with the package when I met my husband. This is something really farthest from my mind to come here. I was thinking more of staying somewhere with lower crime rates
but what can I do, I fell in love and so I had to go wherever husband is …
Leave A Reply